•PANITIKAN•
•PANITIKAN•
Ang blogsite naito ay naglalaman ng kahulugan ng Panitikan,mga uri at halimbawa nito.Ito ay
maaaring makatulong sa iba't ibang baitang na mga mag-aaral.
Biyernes,April 30,2021
Narito ang Pagpapaliwanag Kung Ano ang Panitikan at Ilang Mga Halimbawa Nito
Ang panitikan ay mga panulat na nagpapahayag ng mga karanasan, damdamin, kaisipan, o kwento ng isang tao. Ito ay maaring batay sa katotohanan o gawa-gawa lamang para sa isang layunin.
URI NG PANITIKAN
Ang dalawang uri ng panitikan ay piksyon at di-piksyon. Ang piksyon ay sumasaklaw sa mga uri ng panulit na walang katotohanan, kathang isip, o gawa-gawa lang.
Taliwas sa piksyon ay ang di-piksyon, ang uri ng panitikan o mga panulat na nagsasaad ng totoong kwento.
Ano Ang Kahalagahan Ng Panitikan Sa Ating Buhay At Lipunan?
Kung ating titignan ang kasaysayan, isa sa mga instrumento ng rebulosyon ang panitikan. Makikita ito sa panahon ng ating mga bayani noong sinakop tayo ng mga Kastila. Dahil sa mga sulat ni Rizal at iba pang mga bayani, nabigyang inspirasyon ang mga Pinoy na lumaban para sa kanilang mga karapatan at kalayaan.
Higit sa lahat, ang panitikan ay mahalaga sa ating buhay dahil ito ay sumasalamin sa ating mga emosyon na kadalasan hindi nating maaaring ipalabas. Kaya naman, bilang miyembro ng lipunan, tayo ay napag-iisa ng panitikan.
MGA HALIMBAWA NG PANITIKAN
Anekdota – ito ay maikling salaysay na nagtatalakay ng pangyayari sa buhay ng tao.
TSINELAS NI JOSE-RIZAL
Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin.
Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan.
Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.
Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni’t sa aming lalawigan, ang ay ginagamit namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng karetela.
Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat.
Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.
Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.
“Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?” tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.
“Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad.
Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.
Nobela – ito ay mahabang panulat na may maraming kabanata at nagtatalakay sa isang kwento at mga sangay nito.
Pabula – ito ay mga maikling kwento na ang mga tauhan ay mga hayop at nagtuturo ng leksyon sa mga mambabasa.
Parabula – ito ay mga maikling kwento na kadalasan ay may pagkakapareha sa mga kwento sa Bibliya.
Alamat – ito ay panulat na nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay. Ito ay kadalasang piksyon.
Maikling Kwento – ito ay ang mga kwentong mapupulutan ng aral.
“Ang Mga Nawawalang Sapatos ni Kulas”
Nasa katamtamang estado ng pamumuhay ang pamilya ng batang si Nicholas Cruz. Mas kilala siya sa Kalye Sampaguita bilang si Kulas, sampung taong gulang na anak nina Julio at Vina Cruz.
Nagtatrabaho sa isang pagawaan ng mga kasangkapan sa bahay ang ama ni Kulas samantalang kahera naman isang tindahan ang kanyang ina.
Isang araw, habang tinatali ni Vina ang sintas ng sapatos ng anak ay nagtaka ito.
Hindi sumagot si Kulas at nagkataon naman na bumusina na ang sasakyan na maghahatid sa kanya sa paaralan. Humalik ito sa mama niya at dali-daling tumakbo palabas ng bahay.“
Leon, bilisan mo nariyan na iyong school bus,” sabi ni Kulas sa nakababatang kapatid habang tumatakbo siya palabas.
Natapos ang kalahating-araw ng klase at hinatid na pauwi sa kanilang bahay sina Kulas at Leon. Pagdating nila sa sala, nagulat ang panganay na may karton na naglalaman ng bagong sapatos.
“Ma, kanino po ‘tong rubber shoes?” tanong ni Kulas sa ina niya.
Ngumiti ang ina at sinabihan siyang sa kanya iyon. Bagong rubber shoes at mukhang mamahalin yung binili ng mama niya para sa kanya. Kinabukasan, sinuot niya ito papuntang paaralan dahil sakto naman na P.E. nila.
Pagkalipas ng isang linggo, nagulat si Vina noong sinumbatan sya ni Julio habang nag-aayos siya sa harap ng salamin at ang asawa naman ay nagbabasa ng dyaryo sa higaan nila.
“Akala ko ba binilhan mo ng bagong sapatos si Kulas kaya naubos ang sweldo mo. Bakit mukhang luma yata yung nabili mo,” sabi ni Julio.
Nagulat si Vina sa sinabi ng asawa. Idiniin niya bumili talaga siya ng bago at mahal iyon kaya humiram pa siya ng pera sa may-ari ng tindahan.
Pagdating ng tanghalian, nakarating na ang mga bata. Tama si Julio at luma na ang sapatos na suot ni Kulas. Nagulat ang ina at tinanong ang anak.
“Nak, binilhan kita ng bagong sapatos, e, bakit luma pa rin iyang sinusuot mo?” tanong ni Vina sa anak.
Nagdahilan si Kulas na nakalimutan niya raw na may bago na pala siyang sapatos. Inutusan siya ng ina na kunin iyon at dalhin ito sa kanya. Ilang minuto na naghintay si Vina pero hindi bumalik si Kulas.
Pinuntahan niya ito sa kwarto at nadatnan niya palakad-lakad si Kulas at balisa. Tinanong ulit ni Vina ang anak tungkol sa sapatos niya. Pang-apat na pares ng sapatos na iyon na binili para sa kanya ngayong taon.
“Mama, patawad po. Binigay ko po sa kaibigan ko sa labas ng paaralan ang bagong sapatos na bili niyo para sa akin,” pagtatapat ng bata.
“Ano? Binilhan ka ng bago tapos ipamimigay mo lang pala? Walang mali sa pagbibigay anak pero sana, inisip mo rin na binili namin ng papa mo iyon para sa iyo. Nag sinungaling ka pa,” sabi ni Vina sa anak.
Pinuri ng ina ang bata sa pagiging mapagbigay nito pero pinaalalahanan rin niya na mali ang magsinungaling kahit ano pa ang dahilan. Inihayag niya rin kay Kulas na sana ay pahalagahan nito ang mga binibigay nila ng ama niya dahil pinaghihirapan nila ito.
Humingi ng patawad si Kulas at nangako sa ina na pahahalagahan na niya ang susunod na mga sapatos at mga gamit na ibibigay sa kanya ng mama at papa niya. Nangako rin siyang hindi na siya magsisinungaling.
Dula – ito ay iskrip na ginagamit sa mga pagtatanghal sa entablado at kadalasan ay marami itong yugto.
Sanaysay – ito ay kadalasan naglalaman ng mga personal na paningin ng may-akda sa mga bagay-bagay.
Ang Kahalagahan ng Edukasyon
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.
Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot.
Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.
Talambuhay – ito ay nagsasaad tungkol sa buhay ng isang tao, kanyang mga naging karanasan, at iba pang detalye tungkol sa kanya.
Kwentong Bayan – ito ay mga likhang-isip na ang mga tauhan sa kwento ay kumakatawan sa mga uri ng tao.
Balita – ito ay ang komunikasyon na ang layunin ay ihatid sa mga mamamayan ang mga nangyayari sa bansa.
Talumpati – ito ay isang panulat na pagpapahayag ng opinyon o mensahe ng isang tao ukol sa isang bagay o pangyayari. Ito ay ipinapahayag sa ibabaw ng establado.
KAHALAGAHAN NG PAMILYA
Marahil madalas nating nakakasama ang ating mga kaibigan sa eskwelahan man o sa opisina subalit sa ating paguwi ang pamilya ang ating nakakasama. Sila yung laging naggagabay at nag-aalala. Kasabay sa kainan, panunuod ng telebisyon, at pagtawa. Ngunit madalas hindi natin nakikita ang kanilang importansya.
Gigising tayo sa umaga, mag-aaral, magtratrabaho, kakain, matutulog. Lahat tayo ay abala sa kanya kanyang laban sa buhay. Madalas hindi natin sila pinapansin. Dahil alam natin na lagi lang sila nandiyan. Diba sadyang magaan ang buhay pag alam mong nakaalalay lang sila? Kaya pahalagahan natin ang pamilya. Sila ang dahilan kung bakit ka masaya.